in

Aplikasyon online para sa citizenship, sisimulan sa May 18 sa buong bansa

Dalawang buwan na lamang at sisimulan na ang bagong sistema. Wala ng experimental period na dapat sana’y sisimulan mula Abril 1 sa ilang piling lalawigan. 
 
 
 
 
 
 

Roma – Marso 22, 2015 – Tinanggal na ang experimental period. Ang bagong proseso online sa pag-aaplay ng italian citizenship ay sisimulan sa buong bansa mula May 18. Sa loob ng isang buwan ay makakasabay sa paglilingkod ang dating personal na paraan ng pagsusumite ng aplikasyon. Samantala, mula Hunyo 18, ay maiiwang nag-iisang paraan sa pagsusumite ng aplikasyon ang online.

Isang komunikasyon buhat sa mga prefecture ng lalawigan ng Alexandria, Aquila, Cuneo, Florence, Mantua, Modena at Novara ang nagpapaliwanag na ang online application ay sisimulan na rin mula May 18 at hindi na April 1 tulad ng unang ibinalita. 
 
Ang Abril 1 ay ang unang petsang napili ng Ministry of Interior. Ito ay aming inilathala habang hinihintay ang mga technicalities ng bagong sistema. Ang mga ito ay hindi pa dumarating hanggang sa ngayon. Samakatwid, wala ng experimental period at ang sistema ay magsisimula rin sa amin sa May 18 kasabay ang lahat ng lalawigan sa bansa”, paliwanag sa stranieriinitalia.it ng Florence prefecture. Ganito rin ang mangyayari sa ibang lalawigan kung saan inaasahan ang maagang simula ng online procedure. “Para sa kaalaman ng lahat, – tulad ng mababasa sa website ng Modena prefecture – ipinaaabot ng Ministry of Interior na ang simula ng online procedure sa pagsusumite ng aplikasyon para sa italian citizenship sa mga nabanggit na lalawigan ay ipinagpaliban mula Abril 1, 2015 sa May 18, 2015 ".
 
Bukod dito, ang sabay sabay na simula sa buong Italya ng bagong sistema, sa katunayan ay sentralisado. Lahat ng aplikasyon ay ipapadala online, matapos ang magrehistro at mag-log on sa website ng Ministry of Interior.
 
isinalin sa tagalog ni: Pia Gonzalez-Abucay
 
Kung nais ng higit na paglilinaw ukol sa 'pag-aaplay ng italian citizenship', bisitahin ang aming sister website Migreat at isulat ang lahat ng inyong katanungan sa aming mga eksperto.
 

Jacquiline at Kim, sa La Mente Artistica 2015

Pinay, natuklasang nag-withdraw ng 650 euros sa ATM ng employer