in

Aplikasyon online ng citizenship, ihihinto ng isang araw para sa flussi

Ihihinto ng isang araw ang serbisyo sa citizenship sa website ng Ministry of Interior. Ito ay kailangang gawin upang maiwasang ma-overload ang website dahil sa decreto flussi.

 

Rome, Pebrero 15, 2016 – Mahalagang impormasyon sa mga naghahangad na maging Italian citizen: kung nais mag-aplay ng citizenship, huwag ngayong Miyerkules.

Mula noong nakaraang Mayo, ang aplikasyon para sa Italian citizenship by residency, marriage at descent ay ina-aplay online sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior. I-fill up lamang ang form at ipadala ito, kahit pansamantalang gamit ang self-certification siguraduhin lamang na isusumite ang mga original documents.

Ang parehong website ng Interior Ministry ay ina-aplayan din ang maraming dokumentasyon ng mga migrante mula sa family reunification hanggang sa Italian language test para sa carta di soggiorno, at sa ngayon ang flussi 2016. At dahil unang araw ng pagsusumite ng aplikasyon ng 13,000 seasonal workers na nais mag trabaho sa Italya ay inaasahan ang electronic traffic sa Miyerkules, Jan 17.

Upang mapadali ang pagsusumite ng mga aplikasyon ng decreto flussi 2016 – paliwanag sa isang anunsyo sa website – ang seksyon ng Citizenship ng nasabing website ay hindi aktibo mula alas 6 ng hapon ng Feb 16 hanggang alas 9 ng umaga ng Feb 18”.

Ang suspensyon ng serbisyo ay kinakailangan upang maiwasan ang ma-overload ang website. Ang pansamantalang stop ay para sa buong seksyon ng citizenship. Samakatwid, hindi maaaring magsumite ng aplikasyon at ang sinumang nakapagsumite na ay hindi maaaring makontrol kung nasaang punto na ang aplikasyon.

Family at maternity allowance buhat sa Comune para sa taong 2016

Enrollment online ng school year 2016-17, hanggang Feb 20