in

Aplikasyon ng Citizenship, obligado ang SPID ID simula Enero 2019

Matapos ang pagsasabatas ng Decreto Salvini ay kasalukuyang nagaganap ang maraming pagbabago sa pag-aaplay ng Italian citizenship bukod pa sa mga nilalaman ng bagong batas. Sa katunayan, simula kalahatian ng Disyembre, ay isusumite ang mga aplikasyon online gamit ang SPID ID o Sistema Pubblico d’Identità Digitale.

Ang SPID ID ay tumutukoy sa digital ID o iisang username at password na magpapahintulot sa access sa anumang online service ng Public Administration.

Bagaman ang bagong proseso ay ganap na ipapatupad simula January 15, 2019, ay kinakailangan ang pagkakaroon ng SPID ID o ang online identity ng aplikante ng mga bagong aplikasyon.

Ang Ministry of Interior sa mga buwang nakaraan ay inayos ang kasalukuyang online system na magpapahintulot sa aplikante na rehistrado na ang magkaroon ng access sa SICITT system gamit ang lumang username at sa ngayon ay posibleng maikonekta ang bagong SPID identity sa mga aplikasyong nakapasok na pati an rin ang mga aplikasyong naka-save bilang draft.

Ang bagong sistemang ito ay magpapahintulot ding magkaroon ng access sa aplikasyon ng nulla osta al lavoro, sa ricongiungimento familiare, sa aplikasyon ng italian citizenship at maging sa italian language exam.

 

Nag-expired ang permit to stay habang nasa Pilipinas, maaaring mag-aplay ng re-entry visa?

Black Squadron, 2nd place sa Karate World Cup 2018