in

Ang bayan ni Padre Pio, tinanggihan ang mga refugees: “Mga terorista at manlilimos”

Ang Rehiyon ng Puglia ay nagnanais silang tanggapin, kahit ang mga hotel ng San Giovanni Rotondo. Ngunit ang alkalde ay salungat dito : “Manganganib ang aming seguridad gayun din ang aming imahen”

altRome – Ang San Giovanni Rotondo ay isang maliit na bayan na mayroong 30,000 residente na matatagpuan sa lalawigan ng Foggia, kilala kahit ng mga taong hindi pa nabibisita ang simbahan. Kilala dahil sa kumbento nito nanirahan at namatay si Padre Pio ng Pietrelcina, ngayon ay matatagpuan sa mga headline news dahil diumano sa isang hindi maka-kristiyanong dahilan.

Kahit sa sentrong ito ng Gargano ay dapat tumuloy rin ang mga refugees na dumating sa Italya matapos ang Arab spring at ang digmaan sa Libya. Ito ay dahil sa malalaking mga pasilidad na kadalasang ginagamit ng mga pilgrims. Ang rehiyon ng Puglia ay sa katunayan gumawa ng kasunduan sa mga hotel upang mapaunlakan ang mga migrante.

Ang Mayor na si Luigi Pompilio, na pinangungunahan ang konseho, gayunpaman, ay salungat sa tinawag nitong “mahinang desisyon”. At sa isang liham nito sa Interior Minister Roberto Maroni at kay Gobernador Nichi Vendola ay nagpaliwanag: “Ang aming lungsod ay sentro ng Kristiyanismo, kabilang sa mga pinaka-mahalaga sa ikot ng Municipal Administration, ay matinding tinatanggihan ang pagpasok ng mga di-nakilalang migrante, dahil maaaring magbalatkayo kasama nila ang mga terorista”.

“Sa pinakamahusay na paraan – dagdag pa ng alkalde ng San Giovanni Rotondo – isang malinaw na benepisyong pinansyal mula sa pagtanggap sa mga ito sa hotel, na mabilis na mababago sa isang negatibong imahe dahil sa panlilimos na magkakaroon sa lungsod” . Pinsala sa ” buong sistema ng pagtanggap sa mga turista, na sa kasalukuyang walang katiyakan at nahihirapan.”

Sa maikling salita, ayon kay Pompilio, ang mga refugees ay mga terrorista, o sa mas magandang salita ay mga manlilimos. Maaari bang maging sanhi ng pagkasira ng reputasyon ng bayan ng isang santo dahil sa pagtanggap sa mga ito?

Pilipinas, ikalima sa pinakamalaking delegasyon sa 26th Southeast Asian Games.

Mga dayuhan? Narito kung bakit mahalaga sa ekonomiya ng bansa…