in

Anak ng mga irregulars, enrollment sa paaralan pa rin!

Ang mga magulang ay hindi maaaring mag-enroll on line, dahil sa kawalan ng fiscal code. Ang paglilinaw ng Ministry of Education.
 

Roma, Enero 30, 2014 – Sinimulan kamakailan ang registration online www.iscrizioni.istruzione.it para sa enrollment ng mga unang grado ng bawat antas (grade 1, first year HS).  Mula sa susunod na Lunes , maaari naman ipadala ang enrollment form. Ito ang proseso, sa kasamaang-palad, na hindi sumasaklaw sa mga irregulars sa Italya, na personal na gagawin ang enrollment sa paaralang p
inili ng kanilang mga anak. 
 
Inaasahang maging ang mga anak ng mga undocumented ay may karapatan na rin sa modernong paraan ng pgg-e-enroll ng walang anumang alalahanin. Ngunit, sa programa na magpapahintulot sa pagpi-fill up ng application form sa website www.iscrizioni.istruzione.it ay humihingi pa rin ng codice fiscale na isang uri ng dokumento na hindi tinataglay ng mga irregulars. 

 
Matatandaang isang circular buhat sa Ministry of Education ang ipinalabas noong Jan 10 ang tila nagbigay ng madandang balita. Dito ay nasasaad na ang mga mag-aaral na walang fiscal code ay maaari na ring mag-enroll online. Isa diumanog “Provisory fiscal code” ang ibibigay mismo ng sistema, at ang final fiscal code ay ibibigay diumano ng paaralan. 
 
Sa katunayan, isang paglilinaw sa stranieriinitalia.it ang ibinigay ng Ministry dahil ang mga undocumented parents ay patuloy na mag-e-enroll sa paaralang napili ng kanilang mga anak. 
 
Bakit nagpalabas ng isang komunikasyon ukol sa online enrollment ng lahat? Isa pa ring enrollment online ang magaganap – dahil ang operator ng paaralan ang mag-e-encode sa programa. Walang papel na ipi-fill up. Wala lamang ‘provisory fiscal code’ na ibibigay sa mag-aaral na magpapahintulot sa online registration. 
 
Isang bagong kaso ang ini-report ng mga kabataang kadarating pa lamang sa bansang Italya sa pamamagitan ng family reunification. Sa kasalukuyan, ay wala pa ring codice fiscale ang mga bata ngunit dahil ang mga magulang ay mayroon nito, maaaring gawin ang enrollment online gamit ang fiscal code ng mga magulang. 
 

“Mas kaunting entries mula sa ibang bansa, trabaho sa mga nawalan ng trabaho sa Italya” – Ministry of Labor

Appointment sa SUI sa Roma gamit ang smart phone, inilunsad!