Agenzia dell’Entrate, tinanggal ang programa sa pagtanggap ng kontribusyon

Simula kahapon, ang Internal Revenue o Agenzia dell’Entrate ay tinanggal ang programa sa pagtanggap ng kontribusyon na nakalaan sa nakaraang regularization. Ito ay upang maiwasan ang pagkakamali ng hindi impormadong mga employer lalong higit ang mga panloloko sa mga nananatiling irregular workers.

Roma –  Nob 28, 2012–Ang regularizationay tuluyang nang natapos noong nakaraang Oktubre 15, at kinabukasan mismo ay imposible na para sa sistema ng website ng Ministry of Inteior ang tumanggap ng aplikasyon. Sa ngayon, upang maiwasan ang anumang pagkakamali ay tinanggal na rin ang programa ng pagtanggap ng kontribusyon  ng halagang 1,000 euros mula sa mga employer bago simulan ang proseso ng nakalipas na regularization.

Ang pagbabayad aydapatgawinsapamamagitan ng mga bangko, mga postoffices omga collection agency gamit ang isangform F24, at dito ay isinusulat ang special code (Redo o Resu) upang maunawaan kung ang manggagawa ay isang domestic worker o buhat sa ibang sektor. Isang resolution na pinirmahan kamakailan ng direktor ng Internal Revenue ang nagsasaad ng cancelation ng mga nasabing special code, samaktawid ang pagtatanggal mismo ng programa upang matanggap ang kontribusyon.

Ang ginawang hakbang ng Internal Revenue ay isang obligasyon upang maiwasan ang pagbabayad ng kontribusyon ng 1,000 euros mula sa mga employer na hindi impormadong ang regularization ay tapos na. Ito ay upang maiwasan din ang panloloko sa mga undocumented na naghahangad pa rin ng permit to stay na handang magbayad mula sa kanilang sariling bulsa ng anumang halaga sa mga fake mediators at employers.

Ang gobyerno, salamat sa kontribusyon ng regularization, ay nakatanggap ng halagang 140 million euros. Halagang, sa kaso na neagtibo o hindi kwalipikado sa regularization, ay hindi na maibabalik pa sa mga employer.