in

800 permit to stay, handa na sa releasing sa Questura ng Pavia

Handa na para sa releasing ang 800 mga permit to stay sa Questura ng Pavia.

Para sa buwan ng Setyembre 2019 ay magkakaroon ng special releasing ng 800 mga permit to stay. Ang listahan ng mga pangalan at ang pagkuha ng schedule ay sa pamamagitan ng website www.formalavoro.pv.it/coper.

Bukod dito, sa September 14, araw ng Sabado, mula 8:30 ng umaga hanggang 12:30, ay magkakaroon ng din ng releasing ng dokumento kahit walang appointment.

Ipinapaalala na ang mga dayuhang expired ang permit to stay at mayroong ricevuta postale ng renewal ay itinuturing na mga regular na residente. Samakatwid ay maaaring magpatala bilang residente at mag-trabaho. Maaari ring magbakasyon sa sariling bansa at muling makabalik sa Italya ng hindi dadaan (o kahit stop over) sa anumang schengen countries sa kundisyong kumpleto ang dokumentasyon ng renewal partikular ang pagkakaroon ng sapat na sahod upang manirahan sa Italya.

 

Pangako ni Conte kay Matarella: Babaguhin ang Decreto Sicurezza

Reddito di Cittadinanza, pending pa rin ang mga aplikasyon ng mga dayuhan