in

4,800 order of expulsion at 140,000 permit to stay, inisyu ng Questura noong 2012

Ito ang buod sa resulta ng mga na-trabaho ng Immigration Office ng Quetsura di Roma sa nakaraang taon.

Roma, Enero 7, 2012 – Higit sa 140,000 permit to stay (renewal at first issuance) at halos 4,800 expulsions. Ito ang ilan sa resulta ng mga na-trabaho ng Immigration Office ng  Questura di Roma sa nakaraang taon.

Tinatayang aabot sa halos10,000 ang mga EU at non-EU nationals ang inaresto at dinala noong nakaraang taon sa Immigration Office ng mga ahente ng Reparto Volanti e dei Commissariati na may tungkulin ng prebensyon at labanan ang iba’t ibang uri ng iligal na layunin. Makalipas ang mga kontrol at mga pagsisiyasat sa posisyon ng bawat isa, ay humantong sa halos 4800 ang order of expulsion para sa mga non-EU nationals dahil sa paglabag sa batas ng legal na pananatili sa bansa. Samantala, higit sa 1,000 naman ang mga EU nationals ang nabigyan nito.

Ang mga naging aktibidad ng Judicial Police – sa pangunguna ng mga tauhan ni Maurizio Improta, sa pakikipagtulungan ng mga Mobile police, ay inaresto ang 12 katao, bukod sa mga nai-report na 2,000 katao dahil sa krimen ng aiding at abetting illegal immigration (favoreggiamento dell' immigrazione clandestina). Samantala, halos 7,200 naman ang mga opinyong ibinigay ng tanggapan sa proseso ng family reunification, 14,700 naman ang ukol sa working permit (nulla osta), at higit sa 4,500 naman ang ukol sa citizenship.

Bingyang-diin rin ng tanggapan ng Via Patini na ang mga pagko-kontrol ukol sa kondisyon ng pananatili sa bansa ay hindi lamang ginawa sa pamamagitan ng mga pagko-kontrol sa mga dayuhan sa kalsada bagkus sa pamamagitan din ng mga pagsusuri sa kundisyon ng mga dayuhang permit to stay holders na sa nakaraan; umabot sa 1500 ang mga tinanggihan ng renewal at tinanggalan ng permit to stay.

Ukol sa lokal na kundisyon, ay tinatayang aabot sa 140,000 ang mga permit to stay (renewal at first issuance) ang inisyu ng Immigration Office. Ukol naman sa serbisyo laban sa “malakas na epekto” ng iligal na imigrasyon, ayon kay Commisioner Fulvio della Rocca, kasama si Improta, ay nagsasagawa ng mga bagong pamamaraan na magpapahintulot diumano upang mapabilis ang pagpapatupad sa mga resulta ng operations.

 

 

 

Mensahe ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Para sa Bagong Taon 2013

“Reina Pamela Berganio, La dichiariamo dottoressa di Architettura”