in

35,000 seasonal workers, papasok ng Italya

Handa na ang dekreto, kulang na lamang ang pirma ni Monti. Ang mga aplikasyon para sa trabaho online pagkatapos ng publikasyon sa Official Gazette, mas mabilis ngayong taong ito, salamat sa tacit consent.  

altRoma – Marso 9, 2012 – Ngayong taon ay papasok muli ng Italya ang 35,000 mga seasonal workers para magtrabaho sa agrikultura, turismo at mga hotels.

Ang dekreto na magpapahintulot sa mga new entries ay tila handa na, hinihintay na lamang ang pirma ng Presdiente ng Konseho bago ito tuluyang ilathala sa Official Gazette. Matapos itong malathala sa mga susino na linggo, ang mga employer ay maaari ng ipadala ang mga apikasyon on line, at marahil ay maaari ng ihanda ang mga aplikasyon ng mas maaga sa pamamagitan ng website www.intero.it.

Lahat ay sa pamamagitan ng internet kahit ngayong taong ito. Ang mga kumpanya ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa sariling paraan o sa pamamagitan ng tulong buhat sa mga asosasyon, ngunit gaya ng dati, ay hindi na kailangan pang mag-unahan, dahil ang mga entries ay tila sapat upang matugunan ang pangangailangan ng workforce at samakatwid ay hindi na kailangang makipagsapalaran pa.

Sa application ay maaaring hilingin ang multiple entry para sa mga susunod na taon. Sa ganitong paraan, ang mga kumpanya ay magkakaroon ng mga parehong manggagawa para sa mga susunod na taon sa mas madali at mas mabilis na paraan ng hindi na maghihintay sa dekreto ng pamahalaan.

Isang karagdagang pinabilis na pamamaraan ng batas ng simplification, na ipinatutupad mula noong nakaraang Feb 10, na nagpapatupad ng mekanismong tacit consent (silenzio-assenso).

Ayon sa dekreto, kung ang Sportello Unico per l’immigrazione ay hindi tumugon sa loob ng dalawampung araw ng kahilingan, ito ay nangangahulugang tanggap at ang manggagawa ay maaaring kunin sa lalong madaling panahon ang entry visa. Ang pagbabago ay para lamang sa mga manggagawa na nasa Italya na ng nakaraang taon, na isang malaking bilang, gayunpaman, dahil sa posibilidad na ang mga bukid, hotel at restoran ay magtiwala sa mga manggagawang kilala na.

 

 

Riccardi: Ang mga kababaihang imigrante ang pangunahing ahente ng integrasyon”

Pagsasara ng 10 embahada sa Europa, iparerebisa