in

35,000 posts ng Civil Service, kasama rin ang mga kabataang dayuhan

Naghahanap ng 35,203 kabataan may edad mula 18 hanggang 28 anyos, anuman ang nasyunalidad. Isang proyekto sa loob at labas ng bansa ng isang taon kung saan maaaring kumita ng € 434 kada buwan. Simula nang pagsusumite ng aplikasyon. 

 

Rome, Mayo 31, 2016 – Care, education, artistic and cultural heritage, environment, civil protection…. Iba’t-iba ang mga serbisyo ng National Civil Service ngunit ang nagbibigkis sa mga ito ay ang natatanging layunin na maging kapaki-pakinabang para sa iba. 

Sa taong ito, ang Civil Service ay makakatugon sa panawagan ng 35,203 kabataan bilang mga boluntaryo, na may edad mula 18 hanggang 28 anyos, anuman ang nasyunalidad, bastat regular na residente. Ang mga bagong public competition, sa katunayan, ay walang pagkakaiba anak man ng Italyano o imigrante. Ito ay batay sa hatol ng Constitutional Court na tuluyang nagtanggal sa requirement ng Italian citizenship. 

Ang public competition ay higit sa isa dahil ang national announcement ay kaakibat ang announcement buhat sa Region o sa automous Province, na nagtataglay ng mga proyektong nakalaan sa buong bansa at limitadong serbisyo naman ang nakalaan sa labas ng bansa. Nasasaad ang 12 buwan o isang taong serbisyo at ang mag boluntaryo ay makakatanggap ng monthly allowance ng € 433,80 at sa sinumang magtutungo sa ibang bansa ay nasasaad ang karagdagang allowance. 

Sa website ng Department for the Youth and Civil Service ay matatagpuan ang mga announcement, proyekto, pamamaraan, paglilinaw at mga forms para sa aplikasyon. Maaaring magsumite ng iisa lamang na aplikasyon direkta sa magpapatupad ng proyekto. Kailan? Hanggang alas dos ng June 30, 2016.

Bando nazionale

Bandi regionali

Progetti Italia

Progetti Estero

 

Ilang Pinoy sa Milan, nabiktima gamit ang hipnotismo

PGEU, Nagdaos ng Kauna-unahang English Festival sa Roma