in

3,500 permit to stay sa isang linggo, ini-released ng Ufficio Immigrazione di Brescia

Pitong daang mga permit to stay kada araw ang ini-released ng Ufficio Immigrazione di Brescia sa ginawang special releasing ng mga permit to stay mula March 12 – 16.

 

Pitong daang mga permit to stay kada araw ang ini-released ng Ufficio Immigrazione di Brescia sa ginawang special releasing ng mga permit to stay mula March 12 – 16. 

Sa katunayan, sa loob ng limang araw ay umabot sa 3,500 mga permit to stay na ini-released ng nabanggit na tanggapan. 

Kumpara sa normal na releasing ng tanggapan, umaabot lamang mula 200 hanggang 250 ang mga dokumentong naibabalik sa mga may-ari nito.  

Ito ay dahil sa pagsusumikap na tupdin ng mga pulis at kawani ng administrasyon ng Ministry of Interior ang ipinangakong pagpapabilis sa proseso ng renewal at releasing ng dokumento. 

Bukod sa releasing, ay nagkaroon din ng information dissemination sa mga window ng tanggapan na nagpahintulot namang mabigyang kasagutan ang mga katanungan at problema ng mga dayuhan ukol sa mga missing document o mga dokumento na dapat ilakip ng mga dayuhan upang ganap na matapos ang proseso ng renewal nito. 

Inaasahan na mauulit ang isang araw ng special releasing sa buwan ng Mayo, para sa pagsapit naman ng summer vacation. 

Mula sa April 9, ay ilalathala naman sa website ng Questura di Brescia ang listahan ng mga carta di soggiorno na for releasing ng mga miyembro ng pamilya ng EU nationals. 

 

Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, ginunita sa Firenze

Isang wallet na may € 1K cash, ibinalik sa Pinay na may-ari