in

200 euros para sa citizenship, ganito dapat bayaran

Italian citizenship minimum salary requirement Ako Ay Pilipino
Italian citizenship minimum salary requirement Ako Ay Pilipino

 Obligadong bayaran kahit sa proseso online. Ang resibo ay kailangang i-scan at ilakip sa e-form. 

 

 

Roma – Nobyembre 25, 2016 – Ang aplikasyon para maging isang ganap na italyano ay naging mas madali ngunit walang anumang diskwento. Kahit na ang aplikasyon ay online, ang lahat ng naghahangad maging italyano ay kailangang magbayad ng 200 euros.

 
Ayon sa batas “ang pag-proseso o deklarasyon ng eleksyon, pagkakaroon, muling pagkakaroon, pagtanggi at pagbibigay ng citizenship ay napapailalim sa pagbabayad ng isang kontribusyon na nagkakahalaga ng 200 euro”.

Ang pagbabayad ay kailangang gawin bago magsumite ng aplikasyon, sa conto corrente postale 809020, nakapangalan sa (intestato a) Dipartimento per le libertà civili e l’immigrazione ng Ministry of Interior. Ang postal bill na dapat gamitin (narito ang halimbawa) ay makikita sa mga post offices o mismong sa “Sportello Amico” na nagbibigay ng serbisyo.
 
Matapos gawin ang pagbabayad ay kailangang i-scan ang resibo ng pinagbayaran. Ito ay ilalakip sa e-form ng aplikasyon, kasama ang e-copy ng birth certificate, police clearance at ang dokumento ng pagkakakilanlan o ID.
 
Ang 200 euro ay tuluyan ang paglalaho sa mga aplikasyong hindi maaaprubahan. Isang konsulasyon, na bahagi ng halagang ito ay magiging kapaki-kapakinabang.

Dahil sa parehong batas ay nasaaad na kalahati nito ay gagamitin ng Ministry of Interior sa mga proyekto ng kolaborasyon sa mga third countries. Ang kalahating bahagi naman ay nakalaan sa mga gastusin sa pagproseso ng mga aplikasyon ng mga migrante at mga ‘halos’ italyano na.

 

Permesso unico per lavoro, magpapahintulot sa paninirahan at pagta-trabaho sa ibang EU countries?

Pinoy, nagwagi sa world online “SHORT FOOD MOVIE” contest ng UN food program sa EXPO 2015