in

Volunteers, umpisa na ng registration bilang beneficiary ng 5 per 1000

Ang mga application via internet, sa website ng Agenzia dell’Entrate para mapabilang bilang beneficiary. May 7 ang deadline.

altRoma – Marso 26, 2012 – Kahit ngayong taong ito, ang lahat ng taxpayers ay maaaring magtalaga o magbigay ng ‘5 per mille’ buhat sa kanilang mga taxes sa mga volunteers, ng Munisipyo, ng University, Research o Health centers o maging asosasyon ng mga sports.

Maaaring tanggapin ang benepisyo bilang boluntaryo ng mga non-profit associations, mga social associations at mga foundation na nagbibigay serbisyo sa parehong sektor ng mga non-profits. Mahalagang kabilang sa listahan ng 5 per 1000 ng Agenzia dell’Entrate.

Ang application para sa registration ay sinimulan noong nakaraang Huwebes hanggang May 7 sa pamamagitan lamang ng internet ng mga asosasyon na may serbisyong Fisconline, o sa pamamgitan ng mga awtorisadong intermediaries. Kailangang gamitin ang software na maaaring i-download sa Agenzia dell’Entrate.

Ipinaaalam na rin ang mga susunod na mahahalagang petsa. Hanggang sa Mayo 14 ang Agenzia dell’Entrate ay ilalabas ang listahan ng pansamantalang listahan sa www.agenziaentrate.it at hanggang May 20 ay maaaring ipagbigay alam ang anumang pagkakamali. Samantala sa May 25 naman ilalabas ang final list. Hanggang sa June 30 naman ang mga legal representatives  ay dapat kumpirmahin sa pamamagitan ng affidavit bilang katibayan na nagtataglay ng mga requirements ng 5 per 1000.

OFW napiling torchbearer sa 2012 Summer Olympics sa London

Buwis sa unang bahay o IMU, isang bagong pabigat sa pamilya