in

Ukrainians na dumating sa Italya, higit 91,000 na

Mahigit na sa 91,000 Ukrainians ang dumating sa Italya mula nang magsimula ang digmaan. 

Ayon sa Interior Ministry, 91,137 ang mga Ukrainian refugees ang dumating sa Italya – 48,817 ang mga kababaihan, 10,229 ang mga lalaki at 33,796 ang mga menor de edad. Ang mga destinasyon na idineklara sa pagpasok sa Italya ay para sa karamihan ay ang Milan, Roma, Naples at Bologna.

Ang mga rehiyon ng Emilia-Romagna, Lombardia, Lazio at Campania ay ‘under pressure’ na, ayon kay Head Department of Civil Protection Curcio. Aniya kung mahihirapan na ang mapangasiwaan ang bilang na ito ay imumungkahi ang displacement. Dagdag pa niya na tinitiyak ng department ang matugunan ang mga kahilingan ng mga taong tumakas mula sa digmaan, ngunit posibleng mangyari sa hinaharap na bigyan sila ng iba’t ibang destinasyon. (Stranieriinitalia.it)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Muling pagkakaroon ng Mobile Consular Service sa Bologna, naisagawa nguni’t unang araw ng Pagboto, di naisakatuparan

Personal Pick-up ng Balota sa Bologna, natuloy na