in

Toll Free number, aktibo

Simula noong nakaraang July 31, ang Equitalia ay naglunsad ng toll free number  800 178 078.

Roma, Agosto 23, 2012 – Ang EQUITALIA ay naglalayong magbigay ng higit na impormasyon sa pamamagitan ng toll free number 800 178 078 sa sinumang nakatanggap ng cartelle esattoriali o collection notice na dapat bayaran.

Ang tawag ay nagkakahalaga tulad ng isang local call at aktibo sa loob ng 24 oras.

Mula 8.00 ng umaga hanggang 6.00 ng hapon ay  maaaring makipag-usap nang direkta sa operator mula Lunes hanggang Biyernes , habang sa mga araw ng Sabado at Linggo, isang authomatic machine ang sasagot at magbibigay ng impormasyon kung paano ang pagbabayad.

Para sa mga tawag mula sa ibang bansa o sa pamamagitan ng mobile phone, sa parehong oras at araw na nabanggit sa itaas, ay dapat namang tawagan ang numero 02 3679 3679.

Regularization, pag-aralan ang wastong pamamaraan – UGL Polizia di Stato

Magandang balita sa mga residente sa Roma