in

Tinanggihan ang pabuya at hiniling na ibigay sa Pilipinas bilang donasyon

Hiniling na ibigay bilang donasyon sa mga biktima ng trahedya sa Pilipinas ang anumang uri ng pabuya para sa kanya.

Padova – Nobyembre 19, 2013 – Tinanggihan kamakailan ni Maristella Pasqualetti, empleyado sa Scuola Media Giacomo Zanella sa Arcella Padova ang anumang uri ng pabuya matapos ibalik sa may-ari ang napulot na wallet sa garden ng eskwelahang pinaglilingkuran. Bagkus ay hiniling ng Italyana na ibigay ito bilang donasyon sa mga biktima sa Pilipinas.

Ibinahagi ng Italyana ang kanyang naging karanasan sa nakaraan at pinaniniwalaan na mas marami ang may mabubuting kalooban sa mundo.

Samantala, pinarangalan ni Mayor Ivo Rossi ang ipinakitang kabutihang loob ng empleyada.

Halalan sa Roma ng mga Consiglieri Aggiunti, itinakda

Ambasciata delle Filippine, punto di raccolta fino a domani 20 nov