in

Terorista ng Christmas market sa Berlin, napatay sa Milan

Kinilala at kinumpirma ng awtoridad si Anis Amri, ang teorista ng Christmas market sa Berlin, ang nabaril ng awtoridad sa Sesto san Giovanni Milan kaninang madaling araw.

 

Disyembre 23, 2016 – Napatay sa Sesto San Giovanni, malapit sa istasyon sa Milan ang pinaghihinalaang terorista sa Berlin.

Ayon sa mga pinaka huling report, biolente ang naging reaksyon ng terorista sa simpleng document check ng awtoridad. Naglabas umano ng baril mula sa kanyang bagpack at pinagbabaril ang mga pulis na nangongontrol.

Ang terorista ay pinagbabaril ng awtoridad matapos sumigaw ng “Allah Akbar” at matapos barilin ang dalawang pulis na humingi ng kanyang personal document. Ang isang pulis ay tinamaan sa balikat at kasalukuyang nasa maayos ng kundusyon.

Ayon kay Marco Miniiti sa ginawang press conference, naganap lahat bandang alas tres ng madaling araw sa plasa 1 Maggio, sa labas ng Sesto San Giovanni station sa Milan. 

Kinilala at kinumpirma rin ng awtoridad si Anis Amri, ang teorista sa Christmas market sa Berlin kamakailan. 

 

Araw ng Pagkakatatag ng Guardians International, ginunita sa Montecatini Terme

Kailangan bang i-report sa Questura ang pag-upa ng apartment ng mga imigrante?