in

Tatlong taong batang Pinay, nabagsakan ng yelo

altBologna, 9 Pebrero 2012 – Ayon sa report ng cataniaoggi.com, isang tatlong taong batang babaeng Filipina ang bahagyang nasugatan kahapon sa Bologna dahil sa bumagsak na piraso ng yelo na tumama sa ulo nito. Bandang alas 5 ng hapon, ang bata ay naglalakad sa Via Pietralata kasama ang magulang nang sa angolo ng Via Sant’Isaia ay nabagsakan ng isang piraso ng yelo buhat sa bubong ng isang bahay.

Mabilis naman diumanong sumaklolo ang 118 na nagbigay ng first aid medication at pagkatapos ay dinala ang bata sa ospital ng Maggiore para sa mas masusing chech-up. Nasa mabuti namang kalagayan ang bata.

Samantala, ang mga municipal police  ay hinarangan ang lugar upang maiwasan ang mga karagdagang panganib.

 

Ang bawang bilang herbal medicine

Oo, kaibigan ika’y ngumiti