in

Tatlong Pinoy arestado sa Roma dahil sa shabu

Tatlong Pinoy ang inaresto matapos mahuli sa akto habang nag-aabutan ng shabu at cash ng mga caranìbinieri ng Nucleo Operativo della Compagnia San Pietro.

Ayon sa ulat ng Romatoday, ang kahina-hinalang kilos ng tatlo sa kanto ng via San Vincenzo de Paoli at Circonvallazione Gianicolense sa Roma ang nagtulak sa awtoirdad na manmanan ang tatlong pinoy.

Nilapitan ng awtoridad matapos ang naging abutan ng dalawang 36 anyos at isang 40 anyos na Pinoy at nakuha ng mga militar ang dalawang maliit na lalagyan kung saan nakabalot ang shabu. Sa bulsa ng dalawang 36 anyos ay natagpuan din ang 7 maliliit na lalagyan ng shabu, na may bigat na 1.2 grams. (PGA)

Anu-anong mga Rehiyon ang kabilang sa zona Rossa, Arancione at Gialla?

Autocertificazione, kailangan gagamitin?