in

Swab test, libre para sa mga caregivers sa Veneto region

caregivers

Libre ang mandatory swab test na ipatutupad ng Veneto region. Ito ay para sa lahat ng mga caregivers na muling babalik sa bansa upang magpatuloy sa kanilang trabaho o ang pag-aalaga ng mga matatanda. 

Ito ang inanunsyo kamakaialn ng gobernador ng Veneto region na si Luca Zaia

Nagpadala na kami ng komunikasyon sa lahat ng mga departments ukol sa libreng pagpapatupad ng mandatory swab test o tampone sa lahat ng mga caregivers na babalik muli sa Veneto region para magtrabaho”.

Ang inisyatiba ay upang maproteksyunan ang mga senior citizens at mga workers sa rehiyon.

Kaugnay nito, nananawagan sa gobyerno ang Assindatcolf, ang asosasyon ng mga employers sa domestic job sa Italya, na gawing obligatory ang swab test at gawin ng libre sa lahat ng mga caregivers at mga colf na babalik sa bansa (hindi lamang sa Veneto) upang ipagpatuloy ang kanilang trabaho. Ito ay upang maproteksyunan ang mga pamiya at maiwasan ang pagsulpot ng mga bagong outbreaks ng virus sa bansa. (PGA)

Insurance, kailangan ba ng OFW?

ACF Messina, patuloy sa pamamahagi ng ayuda