in

Supermarkets, may iba’t ibang oras at araw ng pagbubukas sa publiko

Muling naglabas ng bagong paghihigpit ang gobyerno ukol sa sirkulasyon ngunit walang nabanggit na paghihigpit sa national level ukol sa oras ng pagbubukas sa publiko ng mga mini markets, supermarkets at mga hypermarkets

Dahil dito ang mga Rehiyon ay nagkaroon ng kanya-kanyang pagpapatupad ng oras ng pagbubukas sa publiko. 

Ang Veneto, Friuli Venezia Giulia, Emilia Romagna, Sicilia, Campania at Calabria ay pinili ang pagsasara tuwing araw ng Linggo. Samantala, ang Lombardia naman ay mas pinili ang pagpapatupad ng limitasyon sa pagpapasok sa mga pamilihan. 

Ang Liguria ay sang-ayon sa pagbubukas ng araw ng Linggo

Sa Lazio naman ay ipinatutupad ang pagbubukas ng mga supermarket hanggang alas 7 ng gabi mula Lunes hanggang Sabado at hanggang alas 3 lamang sa araw naman ng Linggo

Bagong ordinansa, ipinatutupad!

Kumusta na ba ang naapektuhan ng travel ban sa Pilipinas at Italya?