in

Sumaksak na Filipino sa Eur, nahuli na!

altRome – Hinuli kahapon ng mga pulis (Nucleo Operativo della Compagnia Roma Eur) sa Cisterna Latina ang sumaksak sa isang Filipino noong nakaraang lunes sa kahabaan ng artificial lake sa Eur. Isang Filipino din diumano ang kinilala ng mga pulis at napatunayang gumawa ng krimen.

Ayon sa mga report, isang walang kabagay-bagay ang pinag-umpisahang pagtalunan ng mga ito, na naging dahilan ng paghugot sa kutsilyong dala nito at sinaksak ang biktima. Ang salarin, isang ring Filipino, colf at 49 anyos, ay tumakas at nagtago. Matapos mapag-alaman ang tinutuluyan nito sa Cisterna Latina ay dinakip ang salarin at kinulong sa Regina Coeli.

Samantala ang biktima ay kasalukuyang naka-admit pa rin sa ospital ng Sant’Eugenio.

Confcommercio: “Ang Italya ay kailangan ang migrasyon upang lumago”

Forlani: “Hindi kailangan ang magkaroon ng Direct hire ngayong taong ito”