in

Snowstorm pa rin sa Roma

alt

Rome, 11 Pebrero 2012 – Isa pa muling snowstorm sa kapital kahapon Sabado, mula sa Ostia hanggang sa Cassia. Ang alkalde ng lungsod Gianni Alemanno ay muling ipapatupad ngayon, araw ng Linggo ang ordinansa: ang pagkakaroon ng kadena sa sasakyan at ang full stop ng mga motor at motorsiklo hanggang mamayang hatinggabi.

      Pansamantalang isinarado ang Ciampino airport ng isang oras. Samantala, sa Fiumucino naman ay kanselado ang kalahti ng mga flight mula alas singko ng hapon kahapon.

      Itinuloy naman ang laro ng rugby sa Olimpico ng Italy-England, Nanalo ang England sa score na 19-15. Isang malaking pagdiriwang sa kabila ng snowstorm kahapon.

      Sa kasalukuyan ay wala pang anunsyo ang alkalde ukol sa pagsususpinde ng eskwela at ng mga public offices bukas, araw ng Lunes.

 

 

 

 

 

Natuturuan ba ang puso? Ikalawang bahagi

Opisyal na bilang ng biktima ng lindol sa Negros, 41 na