in

Selection ng 39,646 volunteers para sa Servizio Civile, aplikasyon hanggang bukas

Aabot sa 3,797 proyekto ang nakalaan para sa lahat ng mga kabataan mula 18 hanggang 28 anyos para sa Servizio Civile.

Ang seleksyon ng 39,646 volunteers ay nakatakda hanggang bukas, Oct 17, 2019 hanggang alas 2 ng hapon.

Ang aplikasyon ay maaaring esklusibong ipadala online, gamit ang smartphone o tablet, gamit ang SPID sa website  https://domandaonline.serviziocivile.it

Para sa mga aplikante na non-Italians na naghihintay ng releasing o renewal ng permesso di soggiorno, pati na rin ang mga kabataang mula sa Switzerland, Iceland, Norway at Liechtenstein, na hindi maaaring magkaroon ng SPID sa kasalukuyan ay maaaring gumamit ng username at password mula sa website ng Dipartimento per le politiche civili e il Servizio Civile Universale della Presidenza del Consiglio dei Ministri. Sundin lamang ang procedure na nasasaad sa home page nito.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang official website nito: https://scelgoilserviziocivile.gov.it/

Ora solare, malapit na!

Ilang Pinoy, sakay sa bus na bumangga sa isang puno sa Roma