in

Renewal ng bonus €200, pagtatanggal ng IVA sa pagkain, isinusulong sa Decreto Aiuti bis

Zero VAT sa mga pagkain tulad ng tinapay at pasta, renewal at extension ng € 200 bonus, pahabain pa mga hakbang laban sa caro energia tulad ng bonus sociale laban sa mataas na bayarin ng kuryente at gas. Ito ay ilang sa mga isinusulong sa decreto Aiuti bis ng gobyerno ng Draghi, na nananatiling nasa katungkulan upang tapusin ang mga nasimulang gawain, hanggang magkaroon muli ng bagong Executive. Inaasahang aabot sa 10 bilyon euros ang halaga ng mga isinusulong na panukala. Ang 8.5 bilyon ay magmumula sa ginawang assestamento di bilancio o budget adjustment noong nakaraang buwan. 

0 VAT sa pagkain

Kabilang sa mga inaasahang aaprubahan sa Agosto ay ang pagtatanggal ng IVA o VAT sa mga mahahalagang produkto ng pagkain, na nagtala ng pagtaas ng 9% kumpara noong nakaraang taon. Ang pagtatanggal sa IVA ay inaasahan sa pangunahing pagkain sa Italya tulad ng tinapay at pasta, kung saan ang buwis ay 4% na ngayon. Habang inaasahang mababawasan mula 10% hanggang 5% sa karne at isda. Ang presyo ng mga pagkain, sa katunayan, ay nagtala ng record surge sa huling taon. Dahil dito, hiling ng mga labor unions na tuluyang tanggalin muna ang IVA sa lahat ng mga pagkain hanggang sa magtapos ang kasalukuyang krisis. 

Extension ng Bonus € 200 

Sa ginawang meeting ng mga labor unions noong nakaraang July 12, ay hiniling ng huling nabanggit ang extension ng bonus € 200. Bukod sa renewal nito sa mga nakatanggap at makakatanggap pa, ay ang palawigin ito sa mga kategoryang hindi kasali bilang mga beneficiaries. 

Sa susunod na decreto auiti, ay inaasahan ang extension ng bonus € 200 na unang ibinigay sa nakaraang decree. Ang bonus, na ngayon ay matatanggap sa busta paga ng July, ay maaaring i-renew ng isa pang buwan. Gayunpaman, pinag-aaralan pa kung may magiging pagbabago sa mga benepisyaryo. Sa ngayon, ang bonus ay nagkakahalaga ng € 6.8 bilyon. 

Caro energia: gasolina at house bills

Inaasahan din ang pagpapalawig sa mga hakbang laban sa caro energia – gasolina at kuryente. Ilang araw na lamang ang nakalilipas, nag-anunsyo ang Ministry of Economy and Ecological Transition ng extension sa pagbawas ng € 0.30 sa buwis sa gasolina hanggang August 21. Kasama na din sa pinag-aaralan ang bonus sociale para naman sa mataas na bayarin sa house bills tulad ng kuryente at gas sa nalalapit na bayaran sa Setyembre. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ako ay Pilipino

Ipinanganak sa Italya ngunit hindi naipatala agad sa Anagrafe. Bibigyan ba ng italian citizenship?

Kukuha ba ng OEC ngayong magbabakasyon sa Pilipinas?