in

Reddito di Cittadinanza matatanggap din ng 164,000 pamilya ng mga dayuhan

Ayon sa mga pinakahuling ulat ukol sa Reddito di Cittadinanza, tinatayang 1.32 milyong pamilya ang makikinabang ng benepisyo. Sa bilang na ito ay 164,000 ang pamilya ng mga dayuhang inaasahang tatanggap rin nito.

Ang mga datos ay nasasaad sa technical report ng pinakahuling draft ng dekreto.

Ayon pa sa ulat, may kabuuang bilang na 256,000 ang mga pamilyang dayuhan at sa bilang na ito ay 92,000 ang hindi umano kwalipikadong matanggap ang reddito di cittadinanza dahil hindi mga ‘lungosoggiornanti’ o long term residents o hindi residente ng sampung taon sa bansa.

Basahin rin:

Reddito di Cittadinanza, matatanggap din ng mga dayuhang 10 taong residente sa Italya

Tulume Club sa ikalawang taong anibersaryo sa Roma

PAMILYANG PILIPINO