in

Posibleng pagsasara ng mga paaralan sa lahat ng antas simula bukas hanggang March 15, lilinawin hanggang mamayang gabi

Sa patuloy na paghagupit ng covid-19 sa bansa at upang maiwasan ang lalong pagkalat nito ay isang dekreto ang inihanda at naghihintay ng pinal na pirma ang inaasahang ilalabas hanggang ngayong gabi. Ito ay ukol sa posibleng pagsasara ng mga paaralan sa buong bansa sa lahat ng antas hanggang unibersidad simula bukas March 5 hanggang March 15.

Ang balitang mabilis na kumalat, kahit sa mga pangunahing pahayagan sa bansa, ay binibigyang paglilinaw. Inaasahan po namin ang inyong pangunawa.

Palugit sa aplikasyon ng mga permit to stay, pansamantalang ihihinto ng 30 araw

Mga paaralan sa buong bansa, kumpirmadong suspendido mula bukas hanggang March 15