Pinoy, nasaksak ang kapatid

Ang nakakatandang kapatid ay tinutukan diumano ng patalim  ang nakakabatang kapatid na ipinagtanggol lamang ang sarili.

altMilan, Marso 29, 2012 – Mga pangyayaring naganap kahapon sa Milan, Via Veglia bandang alas siyete ng gabi.

Ayon sa mga report, sa mga kadahilanang sinusuri pang kasalukuyan ng awtoridad, isang Pinoy, may edad na 34 ang tinutukan diumano ng patalim ng nakakatangdang kapatid, 39 anyos.  

Ang nakakabata, upang ipagtanggol ang kanyang sarili ay kumuha ng isang katana (isang tradisyunal na uri ng patalim ng mga Hapon) at nasaksak ang kapatid.

Madali namang dumating ang ambulansya at sinugod sa ospital Niguarda ang biktima at kasalukuyan pang nasa malubhang kalagayan.

Dumating rin ang awtoridad at kinasuhan ang 34 anyos ng injury at  illegal weapon posesion.