in

Pinoy malubha, matapos makalanghap ng monoxide

Modenaalt, Marso 7, 2012 – Isang sirang gas heater ang sumingaw sa tahanan ng isang pamilyang Pinoy sa San Damaso nitong nakaraang Lunes. Ang Pinoy ay nasa malalang kundisyon sa Fidenza.

Ang Filipino, 42 anyos, nasa malubhang kalagayan matapos malanghap ang gas sa buong magdamag sa tahanan nito, kasama ang pamilya sa Via Vignolese, angolo ng Via Collegara at San Damaso.

Sumugod ang ambulansya na nagdala sa biktima sa ospital sa Baggiovara, ngunit dahil sa malubha ang kalagayan ay inilipat sa Fidenza para sa masusing medical controls at pagkatapos ay dinala sa ICU. Ang mga bombero, kasama ang mga pulis, ay wala namang natagpuang makabuluhang bakas ng monoxide. Ang tahanan ay walang electrical connection, at isang gas heater lamang ang natagpuan na maaaring nasira at sumingaw. Maaari rin namang naiwang bukas ang brazier.

Ang mga kapamilya ng Filipino ay nasa mabuting kalagayan at dinala sa Baggiovara. Marahil naang biktima  ay natutulog malapit sa pinagmulan ng sumingaw na monoxide.

Bonino – “Igalang ang panahong nakatakda para sa mga permit to stay”

Halimbawa ng US, maaaring mag-promote sa citizenship sa bansa