in

Pinoy hinoldap sa Salaria

Roma, 22 Pebrero 2012 – Inaresto ng mga pulis ng Roma Salaria ang isang 22 taong gulang na Romano, may police record, sa salang panghoholdap nito sa kasing edad na Filipino para ibili ng drugs. Ito ay naganap noong nakaraang gabi.

altKalalabas lamang ng biktima mula sa restaurant sa Via Salaria kung saan ito nagtatrabaho bilang waiter nang tinutukan ito ng kutsilyo upang hingin ang perang dala nito. Nagsisigaw ang bitima na narinig naman ng kanyang kapatid na nagtatrabho rin sa parehong restaurant. Sumugod ang kapatid ng biktima na naging sanhi ng pagtakas ng magnanakaw.

Matapos ang sampung minuto, habang naglalakad ang magkapatid pauwi ng bahay ay muling sumulpot ang magnanakaw at hinamon ang dalawa dahil sa di natuloy na pakay nito.

Samantala, paparating ang isang nagpa-patrol na sasakyan ng mga pulis na pumigil sa away at nagdala sa tatlo sa prisinto upang kilalanin ang mga ito.

 

 

CANNONIZATION OF BEATO PEDRO CALUNGSOD

Tuloy ang buwis ngunit mas mahabang validity ng mga permit to stay