in

Pinay, pinatay ang sariling anak

 

Iniluwal ang sanggol sa sariling bahay at iniwan sa lalagyan ng maruming damit.

altRoma – Pinatay ang sanggol ilang oras matapos ipanganak sa pagitan ng 23 at 24 ng Disyembre. Isang 36 anyos na Filipina ang hinuli ng mga pulis at kinasuhan ng infanticide.

Ang babae, matapos manganak ng nag-iisa ay sinugod sa ospital ng Policlinico Casilino dahil sa matinding pagdudugo dahil hindi lumabas ang inunan at pinigtas lamang mag-isa ang pusod at sinabing ipinagkatiwala ang sanggol sa ibang tao. Hindi naging kapani-paniwala ang bersyon ng ina na naging sanhi upang ipakontrol ng mga doktor ang kanyang tahanan sa mga pulis. Doon ay natagpuan ang bangkay ng sanggol.

Inamin ng Pinay na kanyang iniluwal ang sanggol sa terrace ng kanilang tahanan dahil itinago nito ang kanyang pagdadalang-tao sa kanyang asawang Sri Lankan dahil ayaw na nitong madagdagan pa ang kanilang anak. Matapos iluwal ang sanggol na babae, ay inilagay na lamang ito sa lalagyan ng maruming damit.

 

Christmas bonus ng mga colf at care givers, kailan ito ibinibigay at paano ito kinakalkula?

Pedofile na Filipino, inaresto!