in

Pinay, nasagasaan sa pagtawid sa pedestrian lane

Tinakbuhan, matapos masagasaan ang isang Filipina sa pagtawid nito sa pedestrian lane. Nahuli ang salarin at positibo ang alcohol test.

altRoma, Marso 20, 2012 – Isang Filipina ang nasagasaan at tinakbuhan kagabi sa Via degli Orti di Cesare. Sakay ng Nisan ang Brazilian na 30 taong gulang, ang nakasagasa sa Filipina, 52 taong gulang, habang tumatawid sa pedestrian lane. Tinakbuhan ang biktima matapos mag zig zag sa pagitan ng mga sasakyan.

Samantala, ang mga pangyayari ay natunghayan ng isang alagad ng batas na out of duty. Kanyang sinundan ang nakasagasa hanggang sa Via Grimaldi kung saan ito huminto upang iparada ang sasakyan. Doon ay hinarang ang Brazilian hanggang sa dumating ang mga inabisuhang municipal police.

Positiba ang risulta sa ginawang alcohol test sa Brazilian, samantalang ang biktima, ayon sa mga report ay nasa di malubhang kondisyon.

 

Pinay, kinasuhan ng salang pagnanakaw

Libo-libong Tunisians naniwala sa isang regularization