in

Pinay, minolesta sa bus stop ng isang lasing

Isang di magandang biro sa araw ng Pasko ng Pagkabuhay, para sa isang mag-asawang Filipino, minolesta ang babae at ang lalaki naman ay binugbog sa isang bus stop sa sentro ng lungsod ng isang kabataang lasing.

altRoma, Abril 10, 2012 – Kahaponnggabiisanggrupo ngNucleo radiomobile ang mabilis na tumugon sa tawag  ng ilang residente dahil diumano sa isang away sa Piazza Maggiore, Bologna sa pagitan ng isang Tunisian at isang Filipino.

Inaresto at inakusahan si R.G., may edad na 19, isang Tunisian at residente ng Loiano.

Ayon sa report, ilang minuto bago arestuhin angTunisiano, ay lasing na lasing na nilapitan ang isang Filipina, 34 anyos, residente sa Bologna habang naghihintay ng bus. Pinagyayakap, hinipuan at habang nagtatangkang halikan ang Pinay ay mabilis na umaksyon ang asawa nito, isa ring Filipino at may parehong edad, ngunit nabugbog naman ng Tunisian ang Pinoy katulong ang isang armadong kasabwat nito na may dala dalang baston. Kahit mabilis na nakatakas ang lasing bago pa man dumating ang awtoridad ay nahabol at inaresto ito.

Samantala, dinala sa ospital ang Pinoy sa natamong suntok nito at binigyan ng 10 araw na recovery.

Kasalukuyang sinisiyasat ang mga pangyayari upang makilala at mahuli ang naging kasabwat ng Tunisian na mabilis na nakatakas.

 

Mensahe ng Papa ngayong Pasko ng Pagkabuhay

Fini – “Kung may pagkakataong gawin muli ngayon, babaguhin ko ang Bossi-Fini”