in

Pinay, kinasuhan ng salang pagnanakaw

Sangkot pati ang asawa sa mga natagpuang alahas, gamit na pilak at armas.

altRoma, Marso 20, 2012 – Kinasuhan kahapon ng Carabinieri ng Bologna ng salang pagnanakaw at conspiracy to handle stolen goods ang mag-asawang Filipino, L.T., 32 taong gulang, isang colf at ang asawa nitong L.E., 41 taong gulang. 

Ilang buwan ang nakalipas, isang negosyanteng Italyano, may edad na 84 ng Bologna ang naghabla sa pulis matapos nitong matuklasang pinasok ang kanyang tahanan ng mga magnanakaw.

Sa panahon ng paghahanap, natagpuan sa bahay ng mag-asawang Filipino ang  ilang mga pilak na alahas at kasangkapan na pag-aari ng matanda. Ayon pa sa mga report, ang ilan ay naibenta na diumano ng mag-asawa.

Bukod sa dalawang salang ipinataw sa mag-asawa, ay papatawan din ang mga ito ng salang illegal weapon possession, dahil sa natagpuang tatlong spada (katana) sa loob ng tahanan ng mga Filipino.  

 

 

 

Au pairs, makakalabas ng bansa simula Marso 19

Pinay, nasagasaan sa pagtawid sa pedestrian lane