in

Pinay, huli sa pagnanakaw dahil sa facebook

Magagandang damit at kumikinang na mga alahas sa pictures sa facebook, sa employer pala!

altRome, Mayo 11, 2012 – Puno ang Facebook profile ng sangkaterbang mga litrato suot ang mga magagandang damit at kumikinang ng mga alahas tulad ng hikaw, kwintas at mga singsing. Isang babae, colf ang nakunan ng mga ebidensya sa pamamagitan ng internet ng anak ng employer nito. Ang colf, isang Pinay, 43 taong gulang na nagta-trabaho sa Viale Felissent,Treviso.

Ang employer ay naghinala sa dumadalas na pagkawala ng kanyang mga alahas sa loob ng tatlong taon. Maging mga damit ay unti unting nauubos. Naghihinala man ang employer ngunit ang tiwala sa Pilipina ay nagiging hadlang upang pagsuspetsahan ito dahil tila miyembro na ito ng pamilya at kadalasang hinahabol pa ng ilang employer.

Ang anak ng employer ay sinimulang subaybayan ang pinagkakatiwalaang colf, mula sa kilos nito hanggang sa internet sa pamamagitan ng facebook. At ilang click lamang, kasabay ang husay ng mga kabataan sa paggamit ng internet ay natunton ng anak ng employer ang fb profile ng pinaghihinalaang kumukuha ng mga gamit ng ina. Mga close up picture nga ang naging patunay suot ang damit at alahas ng employer.

Ayon sa mga report, matapos ang paghahabla sa mga awtoridad ay kasalukuyang kinukumpleto ng employer ang pagsa-save ng mga larawang suot ang kanyang mga alahas at damit. Dapat din diumanong mapatunayang siya nga ang tunay na nagmamay-ari ng mga ito bago tuluyang ihahabla ang colf na Pinay.

Mga gamot mula China, may halong human flesh

Meron bang nakukulong sa PILIPINAS bunga ng hindi pagbabayad ng utang?