in

Pedofile na Filipino, inaresto!

Bisperas ng Pasko ng arestuhin ang Filipino at kinasuhan ng pang-aabuso sa mga menor de edad. Binibigyan din ang mga ito ng pera upang hindi magsumbong sa magulang.

altReggio Calabria – Nakakapangilabot ang mga kaganapan sa Reggio Calabria, kung saan isang 34 anyos na Filipino ang iniimbitahan ang mga menor de edad sa kanyang tahanan para makapaglaro ng playstation, ngunit sa katunayan, sa apartment nito ay pinagsasamantalahan ang mga bata at binibigyan ng pera ang mga ito bilang kapalit ng kanilang katahimikan.

Ang Filipino, matapos imbitahan ang mga bata sa kanyang bahay ay pinapapanood ng malalaswang pelikula, at sinasabing ang mga bida sa screen ay naglalaro ng “bunga bunga” at nais ng binata na gawin sa kanila ang larong ito. Matapos ang reklamo ng isang magulang ay inumpisahan ng mga pulis ang mga pagsisiyasat.

Ayon sa report ng isang ina sa mga investigators, natagpuan sa bulsa ng kanyang anak na lalaki ang 20 euro. “Bayad po ito sa masahe sa akin ng Filipino”, sagot ng bata sa ina ng tanungin kung saan nanggaling ang pera. Inamin rin ng batang lalaki na ilang beses na syang inanyayahan sa bahay ng Pinoy para maglaro ng PlayStation, ngunit sa bahay nito ay mayroong ilang mga menor de edad na naghihintay na minasahe, hinipuan sa maseselang bahagi ng katawan at pinagsamantalahan ng Pinoy.

Bisperas ng Pasko ng arestuhin ang Filipino at kasuhan ng sexual harassment. Ang Filipino ay kasalukuyang nakakulong sa Reggio Calabria.

Pinay, pinatay ang sariling anak

Paskong walang Direct Hire!