in

Papal Audience at Angelus ng Santo Padre, via streaming

Kinumpirma ng Vaticano na via streaming ang Papal Audience at Angelus sa darating na Miyerkules, March 11. Ito ay matutunghayan rin sa mga big screen na St. Peter’s Square.

Ayon pa sa Vaticano, sa halip na gawin ang Angelus mula sa bintana kung saan ito palagiang ginagawa ng Santo Padre ay gagawin ito sa Biblioteca del Palazzo Apostolico.Ito ay upang mabawasan ang mabilis na pagkalat ng Covid-19 sa mga pagtitipon, tulad na rin ng nasasad sa ipinatutupad na dekreto sa kasalukuyan ng awtoridad.

Kaugnay nito, sa isang video message ay kinumpirma ni Nicola Zingaretti, ang namumuno sa Lazio region pati na rin ng Democratic Party (PD) sa Italya.

Maayos ang aking pakiramdam. Ako ay kasalukuyang nasa bahay at sinusunod ko ang home isolation”, aniya.

Samantala, ang mga politiko at kasama sa partido na nakasalamuha ni Zingaretti ay sumasailalim sa mga pagsusuri.

Samantala, positibo din sa covid-19 ang isa sa mga body guard ni Matteo Salvini, ang dating Deputy Prime Minister ng Italya at namumuno sa North League (Lega Nord). Susundin umano niya ang ipagagawa sa kanya ng health authorities kahit hindi nagkaroon ng ‘contact’sa bodyguard. (ni: PGA)

Pinoy, nasawi sa atake sa puso habang sakay ng bisikleta

KABABAIHAN, magkaisa para sa pantay na karapatan