in

Panalo na, naging bato pa!

altPadova – Isang Filipino ang naghabla sa isang kamag-anak dahil sa pagnanakaw diumano nito sa card ng “Gratta e Vinci” na may premyong 100,000 euros sa mga pulis sa Padova noong nakaraang linggo.

Ayon sa report, kasama ng nanalong Filipino ang dalawa pa nitong kaibigan sa pagbili ng dalawang “Gratta e Vinci” cards sa tobacconist bago ang mga ito ay tuluyang naghiwa-hiwalay.

Pagsapit sa bahay ay kanyang natuklasan ang pagkapanalo ng 100,000 euros sa isa sa dalawang cards na binili. Tuwang tuwa sa mga pangyayari at dahil sa maraming humihingi ng balato, ang Filipino ay nagtungo diumano sa isang kamag-anak upang humiram ng 300 euros para sa isang salu-salo at sabay ipinakita ang winning card bilang garansya. Sinamantala diumano ng kamag-anak ang tuwa at galak ng nanalo habang kinukunan ito ng pictures hawak ang winning card at ipinalit dito ang isang “Gratta e Vinci” card na walang panalo.  

Dalawang Filipinong nagpapautang, natuklasan ng Guardia di Finanza

Pabrika ng mga permit to stay, natuklasa ng Guardia di Finanza!