in

Open Day para sa mga colf, caregivers at baby sitters

Magkakaroon ng Open Day sa Roma at magbubukas para sa mga colf, caregivers at baby sitters na hindi pa nababakunahan kontra Covid19 ang ilang vaccination sites, na hindi kakailanganin ang anumang appointment o ‘prenotazione’ at sapat na ang dalhin ang tessera sanitaria.

Bukas ng hapon, Huwebes September 23 at maghapon sa araw ng Linggo September 26, ang mga vaccinationa sites sa Roma tulad ng Stazione Termini at ‘La Nuvola’ sa Eur ay magbubukas sa mga domestic workers na hindi pa nababakunahan. 

Samantala, ang vaccination sites sa Policlinico Tor Vergata “La Vela” (via dell’Arciginnasio snc) ay bukas tuwing araw Huwebes mula 2pm hanggang 8pm at araw ng Linggo mula 8am hanggag 8pm

Ito ay bahagi ng programa upang mabakunahan ang 90% ng populasyon para maabot ang herd immunity.

Ang Lazio region ay ang ikalawang rehiyon sa bilang ng mga employed workers, ang mga domestic workers ay tinatayang aabot sa 127,000. Ayon sa Inps, sa Roma lamang ay tinatayang aabot na sa 113,000 ang mga domestic workers. (Assindatcolf)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

No Green pass, No work, No pay

Green pass sa domestic job, narito ang FAQs