in

Online enrollment para sa School Year 2021- 2022, nagsimula na

online enrollment school year 2021-2022 italya Ako Ay Pilipino

Opisyal ng nagsimula ang online enrollment para sa School Year 2021-2022. Ito ay tumutukoy sa mga mag-aaral na papasok sa susunod na school year sa unang grado ng:

  • grade 1, 
  • first yr junior high school o prima media at,
  • first yr senior high school o Liceo o Superiore,

Simula noong January 4 hanggang 8pm ng January 25, 2021 ay maaaring gawin ang online enrollment. Ito ay sa pamamagiatn ng website www.istruzione.it/iscrizionionline/

Matapos ang registration, gamit ang username at password ay maaaring gawin ang enrollment. Samantala, ang mga mayroong digital ID o SPID (Sistema Pubblico di Identità Digitale) ay hindi na kailangan ang mag-register at maaaring direktang mag-access sa pagsusumite online ng enrollment form.

Online Enrollment

Ang enrollment application form ay binubuo ng 2 bahagi.

Sa unang bahagi ay kinakailangang ilagay ang personal datas ng mag-aaral, ang code ng napiling paaralan at ang oras kung nasa grade school o ang napiling kurso kung nasa second degree high school. 

Ngayong taon, bukod sa website ng http://cercalatuascuola.istruzione.it/cercalatuascuola/ ay mayroon na ding App Scuola in chiaro. Ito ay mahalaga sa pagpili ng paaralan na matatagpuan sa sariling ‘zona’. 

Sa ikalawang bahagi naman ay maaaring ilagay ang anumang impormasyon at/o anumang preferences sa mga additional extra-curricular activities ng paaralan. Matapos ang pagsagot sa mga katanungan at ipadala ang enrollment form online, isang confirmation receipt ang matatanggap sa pamamagitan ng email.

Ang paaralan matapos matanggap ang application at magbibigay ng confirmation kung tanggap o hindi ang mag-aaral. Sa kasong hindi tanggap ay ipapadala ng paaralan ang aplikasyon sa ikalawang napiling paaralan. Ang lahat ng komunikasyon, gayunpaman, ay matatanggap sa pamamagitan ng email.

Mandatory Vaccination

Ang mga magulang na nag-enroll online ay may obligasyong magsumite ng listahan ng mandatory vaccination na mayroon ang mag-aaral. Ang hindi pagsunod sa mandatory vaccination ay magpapawalang-bisa sa enrollment.

Undocumented minors 

Ipinapaalala na ang mga undocumented minors ay nananatili mayroong karapatan sa edukasyon. Ang enrollment ay maaaring direktang gawin sa secretariat office ng paaralang napili. Ito ay dahil sa kawalan ng codice fiscale na kinakailangan upang ma-kumpleto ang pagpipi-fill up ng enrollment form. (PGA)

Basahin din:

Italya bilang ng nabakunahan laban Covid19 Ako Ay Pilipino

Italya, nangunguan sa Europa sa bilang ng mga nabakunahan laban Covid19

Pinoy nagwala dahil sa droga Ako Ay Pilipino

Nagpaputok ng cap gun nabangga ng patrol ng pulisya