in

Online appointment booking platform para sa pagbabakuna ng mga Rehiyon (II)

Ako Ay Pilipino

Narito ang mga official website at online appointment booking platform para sa pagbabakuna laban Covid19 ng mga Rehiyon ng Marche, Molise, Piemonte, Puglia, Sardegna, Sicilia, Toscana, Trentino Alto-Adige (PA di Bolzano at PA di trento), Umbria, Valle d’Aosta at Veneto.

Ang pagbabakuna sa Italya, na batay sa prayoridad na itinalaga sa national vaccination plan, ay walang standard procedure sa pagkuha ng appointment. Ang bawat Rehiyon ay mayroong kanya-kanyang organisasyon kung paano magbibigay ng appointment. 

Basahin din: Narito kung paano makakakuha ng appointment para sa bakuna laban Covid sa mga Rehiyon ng Abruzzo, Basilicata, Campania, Calabria, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Lazio at Lombardia.

Narito kung paano makakakuha ng appointment para sa bakuna laban Covid sa bawat Rehiyon. 

Sa kasalukuyan, 6 na Rehiyon ang kasama sa online platform ng Poste Italiane. Ito ay ang rehiyon ng mga Abruzzo, Basilicata, Calabria, Lombardia, Marche, Sicilia. 

Ang website ay ang: https://prenotazioni.vaccinicovid.gov.it/.

Ang numero ng tessera sanitaria ay kinakailangan sa pagpapabakuna laban Covid19

Ang numero ng tessera sanitaria ay kinakailangan sa pagpapabakuna laban Covid19

Kakailanganin ang tessera sanitaria, codice fiscale at cellular number (at email address) para sa confirmation. Sa araw ng unang dose ay ibibigay din ang petsa para sa ikalawang dose. 

Bilang alternatiba, maaaring tawagan ang numero verde 800.00.99.66 mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00 am hanggang 6:00pm

Marche

Ang Marche ay isa sa 6 na rehiyon na gumagait ng online platform ng Poste Italiane. Maaari ring tumawag sa numero verde 800 00 99 66. 

Molise

Narito ang online appointment booking platform ng Molise. Para sa mga mahihirapan sa online, maaaring tumawag sa numer verde 800 329 500.

Piemonte

Ang rehiyon ng Piemonte ay mayroong dalawang pamamaraan: 

  • online platform,
  • sa pamamagitan ng medico di base, kung kabilang sa mg kategorya ng high risk at mga non-self sufficient ay maaaring magpabakuna sa kanilang tahanan ( a domicilio).

Puglia

Ang vaccination campaign ng Puglia ay mayroong angkop na website. Maaari ring lumapit sa accredited pharmacy o sa pamamagiatn ng CUP ng ASL.

Sardegna 

Narito ang online appointment booking sa pagpapabakuna laban Covid19 sa Sardegna. Ang access sa nasabing platform ay sa pamamagitan ng SPID. Maaari ring makakuha ng appointmnet sa mga medico di base

Sicilia

Ang Sicilia ay bahagi sa online platform ng Poste Italiane. Bukod dito ay mayroon din sariling online platform ang rehiyon. Ang booking ay sa pamamagitan ng:

  • pag-fill up ng form
  • pagtawag sa numero verde 800 009 966 

Toscana

Ang Toscana ay mayroong online platform. Maaaring lumapit sa mga medico di base ang mga non self-sufficient. 

Provincia Autonoma di Bolzano 

Sa pamamagitan ng official website ay makikita ang lahat ng impormasyon ukol sa booking ng mga kategorya na nasasaad sa national vaccination plan. 

Provincia Autonoma di Trento 

Ang booking ay sa pamamagitan ng online platform. 

Umbria

Sa official website ng Rehiyon ay makikita ang mga mahahalagang impormasyon ukol sa Covid19.

Narito ang dalawang pamamaraan ng booking:

Valle d’Aosta 

Ang proseso upang magkaroon ng appointment sa rehiyon ay ang sumusunod:

  • Para sa booking ng pagbabakuna at lahat ng mga mahahakagang impormasyon, sa pamamagitan ng website ng Rehiyon.
  • Ang Usl ay tatawagan ang mga mamamayan batay sa prayoridad;
  • Kumpirmarhin ang appointment. 

Veneto

Ang rehiyon ay pinili ang pagpapadala ng mga liham o convocazione

Paano gagamutin ang Artritis?

Road map ng unti-unting pagtatanggal ng mga restriksyon sa Italya, inanunsyo ni Draghi