in

Miss Italia nel Mondo, simula na ang registration

Ang special edition ngayong taong ito para sa mga dalagang dayuhan na naninirahan sa Italya ng hindi bababa sa isang taon. Registration online hanggang  July 24.  Para sa pinaka-magandang dalaga, naghihintay ang kontratang nagkakahalaga ng 20,000 euros.

Rome, Hulyo 2, 2012 – Kayo ba ay mga kabataan, magaganda at ayon sa pasaporte ay mga dayuhan? Sa pinaka-mahalagang beauty contest ng bansa, ay mayroon ring nakalaang pwesto para sa inyo.

Simula na ang registration sa “Miss Italia nel Mondo Special Edition”, ang contest para sa mga dalagang dayuhan sa pagitan ng edad na 18 hanggang 26 anyos na naninirahan sa Italya ng isang taon. Isang mahalagang balita, matatandaang hanggang 2011 ito ay para lamang sa mga Italian descendants na nasa ibang bansa, ito ay karagdagang patunay lamang na ang Italya mula sa bansa ng emigrasyon ay naging isang bansa ng imigrasyon.

“Kami, na kumakatawan sa isang mahalagang bahagi ng mundo ng mga kababaihan, na may pangunahing papel maging sa penomena ng migrasyon at isang mahalagang elemento ng integrasyon, naramdaman namin ang mga pangangailangang umangkop sa mga panahong ito”, paliwanag ng organizer ng Miss Italia na si Patrizia Mirigliani. At sa mga humihiling ng isang karagdagang hakbang, ang magkasamang mag-kumpetensya ang mga anak ng mga imigrante kasama ng mga Italyano sa pangunahing kumpetisyon, ay ipinangako: “Tayo ay makakarating rin doon."

Kasabay ng paghihintay sa maliit na rebolusyong ito, ang sinumang lalahok sa Miss Italia nel Mondo Special Edition ay maaaring magpatala ng libre hanggang July 24 on line, sa pamamagitan ng website www.missitalia.it / MissItalianelMondo.aspx, kung saan ay detalyadong ipinaliliwanag ang mga requirements at ang buong patakaran ng kumpetisyon. Ang mga candidates ay magkakaroon ng pre-selection na gaganapin sa Roma sa July 26.

Dalawampung dalaga lamang ang mapipili upang lumahok sa finals sa Montecatini Terme, isang mahalagang show sa mga nagnanais pumasok sa industriya ng enteratinment at fashion. Ang magwawagi, bukod sa titolo ng pinaka magandang dalaga at ng paghanga ng milyon-milyong Italians ay mag-uuwi rin ng kontratang nagkaka-halaga ng 20,000 euros.

 

Tropical fruit business mission, inilunsad sa Italya

Vice President Jejomar Binay, bumisita sa Roma