in

Minimum Wage sa domestic job, may bahagyang pagtaas ngayong 2021

Minimum wage 2021 sa domestic job Ako Ay Pilipino

Simula January 1, 2021 ay ipinatutupad ang bagong table ng minimum wage sa domestic job. Dito ay nasasaad ang bahagyang pagtaas ng humigit kumulang na € 8 – 16.

Minimum wage 2021 sa domestic job 

Bukod dito, ay mayroong karagdagang benepisyo o indennità, na nasasaad sa bagong CCNL. Narito ang table, mula sa Assindatcolf

Matatandaang noong nakaraang Setyembre 2020 ay pinirmahan ang bagong Contratto Collettivo Nazionale (CCN) sa domestic job. Dito ay nasasaad ang mga mahahalagang pagbabago sa regulasyon at organisasyon upang madagdagan ang propesyonalismo ng mga manggagawa.

Nasasad din dito ang bahagyang pagtaas sa sahod sa sektor na nagsimula noong October 1, 2020.

  • Sa mga babysitters na nag-aalaga ng mga bata hanggang 6 na taong gulang na nasa level B Super ay may karapatan sa karagdagang € 15,76 kada buwan o €0.70 kada oras.
  • Sa mga caregivers naman na nasa level C o D Super, na nag-aalaga sa mga non auto-sufficienti o non-autonomous patients ay kikilalalnin ang karagdagang € 100 kada buwan o € 0,58 kada oras. (PGA)

Basahin din:

Halaga ng kontribusyon 2021 Ako Ay Pilipino

Halaga ng kontribusyon 2021 sa domestic job, walang anumang pagtaas

14 na rehiyon sa zona arancione Ako Ay Pilipino

Labing-apat na rehiyon sa zona arancione