“Mga pets ang mga ito at hindi gamit sa sex” – AIDDA

Sex, gamit ang mga hayup. Isang kababalaghang tila mabilis na kumakalat sa North Italy.

Rome, Oct 12, 2012 – Ito ang naging reklamo ng AIDAA, Associazione italiana per la difesa degli animali e dell’ambiente, ukol sa isang ‘kababalaghang’ nagaganap sa hilagang Italya, lalong higit sa Lombardy at sa Ticino, Switzerland.

Sa katunayan, ang nakatawag pansin ay hindi ang pangkaraniwang kahilingan. Ayon sa mga report, isang tawag sa telepono sa isang prostitute ng Bellinzona, distrito ng CantonTicino, buhat sa isang kliyente nito ang humiling ng isang aso at ang dalhin diumano ang aso sa sa isang encounter sa isang hotel. Dito diumano nagaganap ang oral sex sa aso habang pinapanood naman ng tao.

 Ang report ay nakarating sa AIDDA buhat sa isang grupong 'nagsisisi' at nagkwento diumano ng buong detalye sa asosasyon: sa mga encounter ay ginagamit diumano ang mga aso at kabayo at ito ay mabilis na kumalat maging sa North Italy, partikular sa Milan, Como, Sondrio, Novara, Varese bukod sa Canton Ticino.

Ayon saLorenzoCroce, ang pangulo ngAIDAA, ay mayroon ding diumanong mga leaderna ipinagagamit ang kanilang tahanan sa probinsya kung saan nagaganap ang karumal-dumal na mga encounter.

Ang kaganapan ay naghatid ng ‘allarm’ dahil ayon sa mga report, hindi lamang iisa ang kaso sa kasakuluyan. Sa Canton Ticino, sa katunayan, ay mayroong 20 couples at owners ng mga aso na diumano’y nakikipag sex sa hayop: halos 40 ang mga kasangkot sa nakakapangilabot na encounters, karamihan ay matatgpuan sa Lugano.