in

Maximum heat alert, umakyat sa 16 na lungsod sa Italya

Mula siyam (9) na lungsod ngayon araw, ay aakyat sa labing-apat (14) bukas, Thursday July 21 at magiging labing-anim (16) naman sa Friday July 22, ang nasa maximum heat alert sa Italya. 

Ito ay ayon sa Ministry of Health na nagbabantay araw-araw sa 27 provincial capital cities ng bansa.  

Ang mga nasa alert 3 o maximum alert ngayong araw at magpapatuloy hanggang sa susunod na dalawang araw ay ang Bologna, Bolzano, Brescia, Firenze, Genova, Latina, Perugia, Rieti at Roma.

Bukas ay madadagdag ang Campobasso, Frosinone, Milano, Torino at Viterbo. 

Sa Friday ay kabilang ang Verona at Trieste

Ang Apocalisse4800, ang tawag African anticyclone na tatama sa Italya ngayong linggo ay magiging mas matindi at magdudulot ng mas maalinsangang init at aakyat higit 40° sa maraming lugar sa bansa. 

Ang linggong ito, ayon sa mga eksperto sa panahon, ay inaasahang itatala bilang pinakamainit na linggo ng taong ito. Mataas na temperature ay itatala mula sa Miyerkules, July 20 at ayon pa sa mga eksperto, ito ay magtatagal hanggang sa katapusan ng linggo ng July 23-24. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ilang practical tips para manatiling maginhawa pa rin ang pakiramdam ngayong summer

heat-stroke

Heat Stroke, sino ang nanganganib sa matinding init?