in

Masks distribution sa Lombardy region, sisimulan sa susunod na linggo

Ayon sa Regione Lombardia, sinimulan na ang proyekto ng free distribution ng tinatayang 3.3 milyong mga masks sa Lombardy region, matapos ang pagpapatupad simula kahapon April 5 ng ordinansa ukol sa obligadong pagtatakip ng ilong at bibig sa tuwing lalabas ng bahay. 

Ang distribution, sa pamamagitan ng mga Comune at salamat sa Federfarma ay may unang 300,000 masks ang ipamimigay mula sa susunod na linggo sa mga pharmacies para sa mga mangangailangan nito. 

Ang bilang na nabanggit ay ang unang bilang lamang ng mga masks at inaasahan ang patuloy na pamimigay nito sa tulong at kontribusyon ng ilang kumpanya sa Lombardy region na gumagawa ng mga masks. 

Narito ang bilang ng masks distribution sa mga probinsya:

  • Bergamo 360.000
  • Brescia 370.000
  • Como 178.000
  • Cremona 126.000
  • Lecco 109.000
  • Lodi 95.000
  • Mantova 131.000
  • Milano 900.000
  • Monza Brianza 250.000
  • Pavia 165.000
  • Sondrio 66.000
  • Varese 245.000,
  • Colonna Mobile regionale 5.000

Free Mask Distribution sa Tuscany Region

“Colf at caregivers, makakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno” Minister Catalfo