in

Kulay ng mga Rehiyon, simula Feb. 21, 2021

Kulay ng Mga Rehiyon Ako Ay Pilipino

Batay sa mga datos at indikasyon ng Istituto Superiore di Sanità o ISS ay pinirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ang bagong ordinansa na nagbabago sa klasipikasyon ng mga rehiyon batay sa kulay. 

Simula sa Linggo, Feb 21, 2021 ay kumpirmado na ang mga rehiyon ng Campania, Emilia Romagna at Molise ay nasa ilalim ng restriksyon ng zona arancione. 

Samakatwid, simula sa petsang nabanggit, ang kulay ng mga rehiyon ay ang sumusunod: 

Zona Gialla: Calabria, Basilicata, Friuli Venezia Giulia, Lazio, Lombardia, Marche, Piemonte, Puglia, Sardegna, Sicilia, Valle d’Aosta, Veneto

ZonArancione: Abruzzo, Campania, Emilia Romagna, Liguria, Molise, Toscana, Provincia Autonoma di Bolzano, Provincia autonoma di Trento, Umbria.

Muli, ay walang anumang rehiyon sa ilalim ng restriksyon ng Zona rossa. Sa kabila nito, upang mapigilan ang pagkalat ng mga variants, ay nasa ilalim ng zona rossa ang ilang lugar kabilang ang buong Provincia di Perugia, Comune di San Venanzo (Umbria), Bolzano, Chieti e Pescara (Abruzzo). 

(PGA)

Postepay Evolution scam Ako Ay Pilipino

Postepay Evolution scam, nagbabalik. Narito kung paano maiiwasan.

Fiesta Filipinas Ako Ay Pilipino

Fiesta Filipinas online celebration, tampok ang Sinulog, Ati-atihan at Dinagyan Festival