in

Kulay ng mga Rehiyon ng Italya, simula March 1

Muling nagbabago ang kulay ng mga rehiyon sa Italya simula Lunes, March 1. Ito ay ang klasipikasyon batay sa sitwasyon ng pandemya sa bawat rehiyon.

Sa katunayan, ang mga rehiyon ng Lombardia, Piemonte, Marche, ang provincia di Frosinone at ang tatlong provincie ng Emilia Romagna ang mapupunta sa zona arancione

Sa zona rossa naman ang mga rehiyon ng Basilicata at Molise

Ang Sardegna naman ang unang rehiyon sa zona bianca

Ito ang nasasaad sa ordinansa na pinirmahan ni Health Minister Roberto Speranza, batay sa indikasyon ng Control Room o Cabina di Regia. 

Samakatwid, simula March 1, ang kulay ng mga Rehiyon at Provincia Autonome ay ang sumusunod: 

zona rossa: rischio alto o high risk – Basilicata, Molise

zona arancione: rischio medio-alto o average-high risk – Abruzzo, Campania, Emilia Romagna, Lombardia, Marche, Piemonte, Toscana, Provincia Autonoma di Bolzano, Provincia autonoma di Trento, Umbria

zona gialla: – rischio moderato o moderate risk – Calabria, Friuli Venezia Giulia, Lazio, Liguria, Puglia, Sicilia, Valle d’Aosta, Veneto

zona bianca: rischio basso o low risk – Sardegna

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Away dahil sa grade ng anak, nauwi sa pananakit sa asawa!

Vaccination passport, hangad ng Europa