in

Kaso ng Covid19 at biktima nito sa bansa, patuloy ang pagdami!

ako-ay-pilipino

Sa kabila ng sunud-sunod na pagpapatupad ng iba’t ibang dekreto upang maiwasan at mabawasan ang pagkalat ng covornavirus ay patuloy naman ang pagdami ng mga bagong kaso at sa kasamaang palad, padami din ng padami ang mga biktima ng coronavirus sa bansa.

Sa kasamaang palad, ngayong araw ay nagtala ng 37,809 bagong positibo sa huling 24 na oras, sa kabuuang bilang na 234,245 tested cases (tamponi). 

Nagtala ng higit na 3,304  kumpara sa naitala kahapon na 34,505 bagong kaso sa 219,884 tamponi. 

Ang rate naman ng bilang ng mga positbo sa bilang ng tested cases ngayong araw ay 16.14%.

Kasabay nito ay nagtala din ng 446 biktima, kumpara sa 352 naman ang naitalang namatay kahapon. 

May kabuuang bilang na 862,681 ang mga infected sa simula ng pandemya. (PGA)

Multa hanggang € 560 sa sinumang lalabag sa bagong DPCM

Paalam Kuya Macky!