in

Kasabwat sa pambubugbog sa Pinoy, naaresto na

Inaresto ang 17 anyos na kasabwat sa pambubugbog sa Pinoy noong Easter Sunday.

altRome, Abril 13, 2012- Inaresto kahapon ang isang Tunisian,17 anyos at residente sa Bologna ang kinilalang nakatakas na kasabwat ng kanyang kababayang 19 anyos sa pambubugbog sa Pinoy noong Easter Sunday. Ang 19 anyos, isa ring Tunisian, ay naunang inaresto sa pagmomolesta sa isang Pinay at pambubugbog sa asawa nito habang nasa bus stop ang mga ito. Naganap ang agresyon sa Piazza Maggiore, Bologna.

Ang menor de edad ay nakatakas matapos nitong tulungan sa pambubugbog ang naunang inaresto sa pamamagitan ng isang baston. Natunton naman ito ng mga imbestigador ng nucleo radiomobile dell’Arma salamat sa pakikipagtulungan ng mga residenteng natunghayan ang mga kaganapan.

Ang mga electronic appliances ng isang balikbayan ay may babayaran bang custom duties and taxes?

Lindol naramdaman sa Palermo